Tuesday, October 13, 2015

DEMAND(Schedule,Curve)



 Demand Schedule ay
nagpapakita ng relasyon ng presyo ng bilihin at dami ng demand.Dito nakapaloob  ang halaga ng presyo at ganda ng kalidad na itinakda sa presyo.
Ang demand o ang pangangailangan ng presyo ng bilihin at dami ng demand para sa partikular na produkto at serbisyo sa iisang pagkakataon. Ang demand schedule ay isang salitang karaniwang ginagamit sa konsepto ng ekonomiks at maging sa produksyon din ng mga produkto. Ito ay tumutukoy sa tala ng mga handa o kayang bilhin na mga produkto ng isang mamimili sa ibat-ibang presyo. Ang presyo ay tumutukoy sa halaga na katumbas ng isang produkto. Ito ang pangunahing salik na nakakaimpluwensya sa demand.

Ilan sa mga salik na nakakaapekto sa demand:microeconomiks: tumutukoy sa pag-aaral ng maliliit na bahagi ng ekonomiya.
pinag-aaralan dito ang mga pasikot-sikot kung pano dumadaloy ang mga produkto at pera ng bansa.


bahay kalaka: tumutukoy sa isang tao o pangkat ng mga tao tulad ng prodyuser o negosyante.

Sila ang responsable sa paggalaw ng mga produkto at kung ano ang dami ng suply.
household: tumutukoy sa kumokunsumo o mamimili. Ang sektor na ito ang responsable sa bilang o dami ng mga mamimili na kumokunsumo ng mga ipinagbibiling produkto.
demand schedule: tsart na nagpapakita ng pagbabago ng demand sa isang partikular na presyo ng isang bilihin. Dito nakapaloob ang mga nangyayaring pababago sa presyo ng produkto at kung pasok parin ba ito sa demand o kayang bilhin ng mga maimili.
batas ng demand: tumataas ang demand kapag mababa ang presyo ng produktong ipinagbibili sa mga pamilihan.Ngunit kung mataas ang preyo ay bababa ang demand nito.
 Ang mga ito ay ilan lamang sa mga salik nakakaapekto sa pagbabago ng demand at suply sa isang pamilihan.
Ang demand curve ay ang graph na nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo ng isang tiyak na kalakal at ang halaga ng mga ito ay handa at kayang bilhin sa ibinigay na presyo.
Ito ay para sa lahat ng konsyumer ng demand curve.
Ay graph na naglalarawan ng kaugnayan sa pagitan ng presyo ng isang tiyak na kalakal at ang halaga nito na ang mga konsyumer ay handa at nagagawang bilhin sa ibinigay na presyo.

No comments:

Post a Comment